Wednesday, July 20, 2005

gusto ko lang i-post

Drama #2

Bakit hindi ka na naman masaya?
Akala ko ba malinaw na sa iyo ang lahat.
Sabi mo mas okay ang lahat, e bakit ka ganyan ngayon?
May padecide-decide ka pa diyang nalalaman pero hindi mo naman pala kayang panindigan.
Mahal mo ba siya? Ano ba talaga? Ano na?
Oo, mahal ko siya.
Hindi ko nga mapigilan yung nararamdaman ko sa kanya.
Kung ako nga lang ang masusunod... ... ...
Ano? Ano ang gagawin mo kung ikaw ang masusunod?
Eh, bakit hindi mo ginawa? Anong pumigil sa'yo?
Sino ang pumugil sa'yo?
Alam mo naman palang hindi na ikaw ang nasusunod.
Simula nung araw na hinayaan mo Siyang mamahala sa buhay mo.
Isuko mo kasi ang lahat sa Kanaya at maniwala ka na hindi ka Niya pababayaan.
Kaligayahn mo rin ang hinahangad Niya.
Hindi ka masaya ngayon dahil sinasabi mo lang na isinuko mo na ang lahat.
Pero ang totoo, hindi lahat.
May itinira ka.
Alam kong mahirap isuko ang taong pinakamamahal mo.
Pero magtiwala ka sa Kanya. Maghintay.
At balang araw, magiging masaya ka din...
Pwedeng sa piling niya...
o sa piling ng iba.
Ayun, well, gusto ko lang i-post yan pero matagal ko na naisulat yan at hindi na yan ang current status ko ngayon. hehe. kung current status ang pag-uusapan, wala lang, happy? pero siyempre not all the times. minsan may mga negative feelings pero nothing that i can handle. mga immaturities ko lang like being seloso (as in sobra). kahit na alam kong wala namang dapat pag-selosan. kahit ako natatawa na lang sa sarili ko. although, naapektuhan ako. pero nasa process na ang resolution nun. i am happy.
tin, wag mo masyadong seryosohin ang mga pinagsasabi ko. sinabi ko lang ang mga yun just so you know na may dalawang sides ang isang coin. what am i saying... basta, tingnan mo lang sa maraming paraan. don't just look at it kung paano mo lang siya nakikita. bata pa tayo and nasa dating period na nga tayo. hehe. you know what i mean.
napanood ko na ang star wars 4... 5 and 6, you're next!!! HEHE...
eto na muna. nakakatamd na ulit e.

Wednesday, June 29, 2005

Kwento ngayong araw

Woo!!! Ngayon na lang ulit ako magkukwento.
Nag-jog ako kaninang umaga at naka-ISANG round na ulit ako sa wakas... hehe. May improvement na. So tom dapat medyo maka-ungas na sa isang round. Mga isa't kalahati o one fourth. Anyway, walang pasok today kasi Wednesday. Nakahiga lang ako buong araw, contemplating and thinking hanggang mag 1pm.

1pm umattend ako ng orientation ng Buklod Isip at nakipagkita with the gang. Ang cute ni Mayee!!! hehe... Oh well, she would always be my crush. Not unless someone makes a move... ako ba dapat? Haha!!! Masaya naman ang orientation. Ang kulit ng mga tao. Medyo naging dragging lang banda huli so medyo gumana na naman ang utak ko sa kanyang pag-iisip. Dagsaan ang mga thoughts so habang hindi pa huli ang lahat, sinulat ko na yung iba kong nadatnan at ito nga yun...


Dapat maging masaya ka kung nakikita mo siyang masaya.
Hindi ba yun naman ang gusto mo ding mangyari sakaling kapiling mo siya?
Alam kong mahirap tanggapin kung bakit hindi kayo pwede.
Kahit na mahal mo siya at baka mahal ka din niya, sapat na ba yun?
Maraming mga bagay na din ang iyong naintindihan at pinaniwalaan.
Doon mo nga napagtanto ang mensahe Niya para sa'yo.
Isuko mo ang lahat-lahat sa Kanya.
Dahil sa Kanya lamang manggagaling ang tunay na kaligayahan.
Hintayin mo na lang ang tamang panahon na ibibigay Niya.
At maniwala ka na magiging masaya ka din balang araw, katulad niya.


Hindi ko alam kung dala ba yan ng gutom kasi hindi ako nakapag lunch. Bakit nga ba pag nagugutom ako e napapisip ako ng mga ganyan. Oh well, hindi na ako magpapagutom at masama ang epekto sa akin. Masyado akong nagiging seryoso na talaga namang hindi ako yun.

Nagkanatahan nga pala kami after the orientation. Nagpapraktis na para sa psychOUSTICS. Hehe...

Share ko lang... natuwa naman ako kasi nung palabas kami ni joel (kasama ko sa bahay) para mag-internet e I prayed to God and asked Him na sana may libreng computers para sa aming dalawa knowing na punuan kapag ganitong oras. HA!!! At san ka!!! May libre nga, at dalawa pa. Hehe... Ang galing talaga Niya...
Un lang.

Sunday, June 19, 2005

walang magawa... nakita ko from tiniwinie

nakita ko to kay tin... wala pa akong masabi sa blog ko so ito muna... actually marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano ko isusulat. next time na lang siguro

The True You

You want your girlfriend or boyfriend to be more open with you.
With respect to money, you spend as little as possible.
You think good luck might come your way, but if it does you'll be so surprised you'll burst out laughing.
The hidden side of your personality tends to be satisfied to care for things with a minimal amount of effort.
You are tend to think about others' feelings a lot, perhaps because you are so eager to be liked.
When it comes to finding a romantic partner, you base your search on information from your friends.



isa pa...


The Keys to Your Heart

You are attracted to those who are unbridled, untrammeled, and free.
In love, you feel the most alive when your lover is creative and never lets you feel bored.
You'd like to your lover to think you are loyal and faithful... that you'll never change.
You would be forced to break up with someone who was emotional, moody, and difficult to please.
Your ideal relationship is lasting. You want a relationship that looks to the future... one you can grow with.
Your risk of cheating is zero. You care about society and morality. You would never break a commitment.
You think of marriage as something precious. You'll treasure marriage and treat it as sacred.
In this moment, you think of love as commitment. Love only works when both people are totally devoted.



ano ba tin... hehe kakahawa ka...

Sunday, June 12, 2005

tama ba to???





Your Brain is 66.67% Female, 33.33% Male



Your brain leans female

You think with your heart, not your head

Sweet and considerate, you are a giver

But you're tough enough not to let anyone take advantage of you!


Friday, May 06, 2005

Nagkamali pala ako sa aking pinangarap...

Mahirap palang mangarap nang gising.
Kahit anong gawin mong pag-iwas, babangga at babangga ka din.
Magigising ka sa katotohanang pinilit mong iwasan.

Saturday, April 30, 2005

Wish ko lang...

Nangangarap na naman akong gising

Paano pag nalaman mong may nararamdaman siya para sayo?
Paano kung nalaman mo nga ito pero mukhang huli na?
Akala mo kasi ikaw lang ang nakakaramdam nito.
At ngayon na tila malayo na siya sayo, hahabulin mo ba siya?
Maabutan mo pa kaya?

Bahala na.

Susundan kita.

Do I deserve to have you?

Do i deserve to have you?
If everytime you're sad
i try my best to put smile on your face
when everytime you needed somebody to listen
i go out my way and give you all my days.

Do i deserve to have you?
whenever you have something in mind that bothers you
i force it out from you and take it
even though you get mad at me by doing that
at least it made you happy even for a bit.

Do i deserve to have you?
With all the texts that have been sent
simple messages that are yet to be appreciated.
just like all the things i have done and have been doing until now
just a recognition, oh how long have i waited.

Do i deserve to have you?
I guess not...

Do i deserve to have you?
I know I will never will...

To be that person, your stories he heard
To be that person, you want to have
The person that made you smile
The only person that you love.

How can I ever deserve you?
If at first I never did have the chance.

Unang blog entry- yung hindi copy paste lang

Napanood ko na ang Can This Be Love nina Hero Angeles at Sandara Park. Okay naman siya, Kwela at nakakatawa. Medyo nakakarelate ako sa mga ibang characters katulad ni Hero dun nung nilalait-lait niya yung term paper na ginawa ni Sandara. Ganun din naman kasi ako e. Pero hindi naman ako laitero, critique lang naman ang binabato ko e. Tinamaan lang talaga ako nang sobra sa dialogue ni Tirso Cruz III. Sabi niya kasi na ang isang malaking pagkakamali na magagawa mo ay yung hindi mo maipaalam sa taong minamahal mo kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya.

Naipaalam ko na ba sa kanya kung ano ang nilalaman ng puso ko? Hindi ko pa naman nasasabi ng diretso pero alam ko may ideya na siya kung ano man yun. Kailan ko kaya masasabi sa kanya nang diretso? Kailan ko kaya mailalabas lahat ng tinatago ko para sa kanya? Kailan nga kaya talaga ang araw na iyon?

Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Sa ngayon wala talaga akong alam.

Kasi kung sabihin ko nang diretso, baka diretso ding tanggihan yung kung ano man yun. Natatakot siguro akong malaman kung ano ba talaga. Alam mo yun, nagmumukmok ako dito kasi hindi ko alam kung ano ba talaga--- kung meron ba o walang pa-asa. Pero ayaw ko din namang itanong kasi natatakot ako na malamang hindi. Saan ba talaga ako lulugar?

Duwag nga ako. Tama nga siya nung sinabi niyang duwag ako. E anong magagawa ko. Mas gugustuhin ko pa kasing hindi ko na lang talaga malaman ang sagot kung ang sagot naman e hindi. Tao lang naman ako e. Takot masaktan. Katulad ng ibang tao diyan na kaya ayaw magmahal kasi takot din silang masaktan.

Pero bakit ako nagmahal??? Hmm.. Hindi ko rin alam. Hindi ko naman binalak itong lahat. Biglaan talaga. Hindi man lang ako nakareact man lang. Pero kailangang tanggapin kasi pag tinamaan ka, yun na yun e. Wala ka nang magagawa kung hindi sundin ito. Kapag tumibok ang puso, lagot ka na... siguradong huli ka.... hehe.

next time na muna... tinatamad na ako e.

mensahe ko sa isang kaibigan

april 28 ko ito isinulat...

ano na namang kadramahan yan??? hehe... pero i think i can relate sa mga kadramahang yan. yang mga martyr type na "hayaan mong mahalin kita" na mga lines. hehe... i used to say that, kahit din naman ngayon... kaya lang kahapon when i told you na medyo magulo ang isip ko, naayos na siya that same night din. para akong nasa cloud nine, as in parang napakagaan ng pakiramdam ko. kaya nga napasobrahan ang tulog ko kanina at hindi ako nakapasok sa 171. pero okay lang yun, i just felt wonderful kanina when i woke up. akala ko, ok na. pero kani-kanina lang, may nabasa ako na nagpabago ng lahat. well, hindi ko pa naman nilalahat, medyo magulo pa. hindi pa malinaw.

alam mo ba kung anong nabasa ko??? hindi niya sulat sa akin, sulat niya sa iba. ito ang nakalagay:"I can completely relate. Kaya lang ako yung nang-iwan"Hindi ko alam kung ako yung tinukoy pero sana hindi ko na lang siya nabasa. Mas gugustuhin ko pang maging bulag sa kasiyahan kesa sa malaman ang masidhing katotohanan.

Parang bumagsak ang lahat sa akin. Wala ng natira na kahit ano. well, meron pa rin naman kahit paano. hopeful pa rin ako, martyr at maghihintay pa rin kahit gaano katagal.

Iba talaga pag tinamaan ka. sabi nga nila magkaiba ang may mahal ka sa na in-love ka. akala ko nung una pareho lang yun. pero ngayon, iba na ang pagtingin ko sa kanila. pag may mahal ka, pinili mo siya. kapag na inlove ka, shet! wala kang control sabi nga ni mam ventura.

pero alam mo, may natutunan din naman ako. kapag nagmahal ka hindi ka dapat matakot masaktan. kasi hindi ka naman dapat masaktan. alam mo kung bakit? magmahal ka, yun lang. kung mahal mo siya, mahalin mo siya. kung talagang mahal mo siya, wala kang hihingin na kahit anong kapalit. sabi mo nga, masaya ka na na mahalin siya. dapat ganun lang ang gawin mo. mahalin mo siya. wala nang iba. kaya lang hindi ko maitatanggi na masakit malaman na iniwan ka niya o hindi ka niya mahal. pero kahit na masakit, dahil mahal ko siya, wala pa ring nagbago sa kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya. wala na nga lang patutunguhan. ano naman ang pakialam ko. basta mahal ko siya. ok na ako dun...

o ayan. nailabas ko na lahat yung tinatanong mo sa akin kahapon. hehe... wag mo na lang ikwento sa iba. baka magtanong pa sila. ayoko din namang maraming makaalam. anyway, pahiram ako ng mga korean movies... ibuburn ko sila para may copy din ako... salamat in advance...