mensahe ko sa isang kaibigan
april 28 ko ito isinulat...
ano na namang kadramahan yan??? hehe... pero i think i can relate sa mga kadramahang yan. yang mga martyr type na "hayaan mong mahalin kita" na mga lines. hehe... i used to say that, kahit din naman ngayon... kaya lang kahapon when i told you na medyo magulo ang isip ko, naayos na siya that same night din. para akong nasa cloud nine, as in parang napakagaan ng pakiramdam ko. kaya nga napasobrahan ang tulog ko kanina at hindi ako nakapasok sa 171. pero okay lang yun, i just felt wonderful kanina when i woke up. akala ko, ok na. pero kani-kanina lang, may nabasa ako na nagpabago ng lahat. well, hindi ko pa naman nilalahat, medyo magulo pa. hindi pa malinaw.
alam mo ba kung anong nabasa ko??? hindi niya sulat sa akin, sulat niya sa iba. ito ang nakalagay:"I can completely relate. Kaya lang ako yung nang-iwan"Hindi ko alam kung ako yung tinukoy pero sana hindi ko na lang siya nabasa. Mas gugustuhin ko pang maging bulag sa kasiyahan kesa sa malaman ang masidhing katotohanan.
Parang bumagsak ang lahat sa akin. Wala ng natira na kahit ano. well, meron pa rin naman kahit paano. hopeful pa rin ako, martyr at maghihintay pa rin kahit gaano katagal.
Iba talaga pag tinamaan ka. sabi nga nila magkaiba ang may mahal ka sa na in-love ka. akala ko nung una pareho lang yun. pero ngayon, iba na ang pagtingin ko sa kanila. pag may mahal ka, pinili mo siya. kapag na inlove ka, shet! wala kang control sabi nga ni mam ventura.
pero alam mo, may natutunan din naman ako. kapag nagmahal ka hindi ka dapat matakot masaktan. kasi hindi ka naman dapat masaktan. alam mo kung bakit? magmahal ka, yun lang. kung mahal mo siya, mahalin mo siya. kung talagang mahal mo siya, wala kang hihingin na kahit anong kapalit. sabi mo nga, masaya ka na na mahalin siya. dapat ganun lang ang gawin mo. mahalin mo siya. wala nang iba. kaya lang hindi ko maitatanggi na masakit malaman na iniwan ka niya o hindi ka niya mahal. pero kahit na masakit, dahil mahal ko siya, wala pa ring nagbago sa kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya. wala na nga lang patutunguhan. ano naman ang pakialam ko. basta mahal ko siya. ok na ako dun...
o ayan. nailabas ko na lahat yung tinatanong mo sa akin kahapon. hehe... wag mo na lang ikwento sa iba. baka magtanong pa sila. ayoko din namang maraming makaalam. anyway, pahiram ako ng mga korean movies... ibuburn ko sila para may copy din ako... salamat in advance...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home